ABANDO AT ANYANG, NANAIG KONTRA QUIAMBAO AT GOYANG!

Nagtala si Rhenz Abando ng 17 points at 7 rebounds upang tulungan ang Anyang Red Boosters na talunin ang Goyang Sono Skygunners ni Kevin Quiambao, 85–81, sa KBL ngayong October 13, 2026.
Nag-ambag si Quiambao ng 13 points, ngunit kinapos ang Goyang sa dikitang laban sa Anyang Jung Kwan Jang Arena.
Nanguna si John Mooney sa panalo sa kanyang 25 points at 15 rebounds, kabilang ang mahalagang three-pointer sa huling bahagi ng laro.
Umangat sa 4–1 ang Anyang, habang bumaba sa 1–4 ang Goyang matapos ang ikaapat na sunod na pagkatalo.
Source: Sports Kyunghyang / Ilgan Sports
I CROSSOVERPH