ABANDO, 13 PUNTOS PERO ANYANG, NASILAT SA KT!

Photo: KBL
Hindi nasustinihan ng Anyang JungKwanJang ang malakas na simula at bumagsak sa Suwon KT Sonicboom, 90–92, sa 2026–27 Korean Basketball League nitong Oktubre 31 sa Anyang JungKwanJang Arena.
Nagtala si Rhenz Abando ng 13 puntos, ngunit hindi sapat ang kanyang ambag upang mailigtas ang Anyang sa ikatlong sunod na pagkatalo.
Maagang kontrolado ng Anyang ang laban matapos tapusin ang unang quarter na may 31–13 na kalamangan. Gayunman, unti-unting nakabawi ang KT hanggang tuluyang maagaw ang panalo sa dikit na pagtatapos.
Bukod kay Abando, nag-ambag si Lee Dae-heon ng 15 puntos, habang may 12 si Byeon Jun-hyeong. Nagdagdag si Park Ji-hoon ng 11 puntos at apat na assists.
Sa kabilang panig, malaking problema para sa Anyang ang tambalan nina Paris Bass at Filipino guard Miguel Oczon.
Kumana si Bass ng 29 puntos, 10 rebounds at walong assists. Nagpasiklab naman si Oczon ng 22 puntos, kabilang ang apat na tres, at anim na assists upang tulungan ang KT na putulin ang limang sunod na pagkatalo.
Bumaba sa 6–4 ang rekord ng Anyang, habang umangat sa 4–6 ang KT.
Masakit ang resulta para kina Abando dahil nauwi sa pagkatalo ang pagkakataong makabangon. Matapos ang dominanteng unang quarter, hindi nila napigilan ang pagbalik ng kalaban at nasayang ang 18 puntos na kalamangan.
CROSSOVERPH | Philippine Basketball