CROSSOVERPH← All stories
PBA · News

ZAV LUCERO, BIDA SA PAG-ANGAT NG MAGNOLIA!

Updated · Philippine time

ZAV LUCERO, BIDA SA PAG-ANGAT NG MAGNOLIA!

Ginawaran si Zav Lucero ng PBA Press Corps Player of the Week para sa October 7–11, 2026 matapos ang mahusay na mga laro laban sa Blackwater at Ginebra.

Sa dalawang panalo, nagtala siya ng averages na 19 points, 6 rebounds, 1.5 assists, isang steal at isang block, kasama ang 50% field-goal shooting.

Nag-ambag naman siya ng 21 points, 9 rebounds at 2 steals sa 112–93 tagumpay kontra Ginebra. Dahil dito, naitala ng Magnolia ang ikalimang sunod na panalo at nasiguro ang puwesto sa quarterfinals.

I CROSSOVERPH

Visit CROSSOVERPH on Facebook ↗

PBA

GINEBRA, ISANG PANALO NA LANG SA SEMIS! Murphy at mga lokal, pinahirapan ang San Miguel

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra para makapasok sa semifinals ng PBA Season 50 Governors’ Cup matapos durugin ang San Miguel Beermen, 126–99, sa Game 2 ng kanilang quarterfinal series noong Oktubre 30 sa Ninoy Aquino Stadium.

PBA

RHJ, HATAK ANG TNT PALAPIT SA SEMIS!

Patuloy na ipinapakita ni Rondae Hollis-Jefferson ang kanyang halaga sa TNT Tropang 5G matapos pangunahan ang koponan sa dalawang dominanteng panalo kontra Magnolia sa quarterfinals ng PBA Season 50 Governors’ Cup. Hawak ng defending champions ang 2–0 abante sa best-of-five series matapos talunin ang Hotshots, 92–70, sa Game 1 noong Oktubre 25 at 91–73 sa Game 2 noong Oktubre 28. Isang panalo na lamang ang kailangan ng TNT upang makapasok sa semifinals.

PBA

PBA PLAYOFF PICTURE: NLEX AT TNT, ISANG PANALO NA LANG SA SEMIS!

Lalong umiinit ang quarterfinals ng PBA Season 50 Governors’ Cup matapos umabante sa 2-0 series lead ang NLEX Road Warriors at defending champion TNT Tropang 5G, habang nauna namang kumuha ng panalo ang Rain or Shine at Barangay Ginebra sa kani-kanilang best-of-five series.

Explore more basketball stories →