ONE LAST DANCE SA CEBU? JUNE MAR SUMAGOT

Posible pa bang magkaroon ng isang huling Gilas appearance si June Mar Fajardo sa Cebu?
Sa pagbabalik ng Gilas Pilipinas sa Cebu para sa final home game nito sa 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers kontra Jordan sa Pebrero, natural lang na may umasa na baka magkaroon pa ng pagkakataong makita muli ang Cebuano big man suot ang national colors.
Pero nilinaw ni June Mar ang kanyang paninindigan: wala siyang planong bumalik mula sa national-team retirement, kahit pa sa harap ng mga kababayan niya sa Cebu.
Sinabi ni June Mar na plano niyang manood at suportahan ang Gilas sa Cebu — pero bilang fan, hindi bilang player. Para sa nine-time PBA MVP, kuntento na siya sa naging takbo ng kanyang international career matapos ang mahigit isang dekadang paglalaro para sa Pilipinas.
Nagsimula ang kanyang senior Gilas journey noong 2013 FIBA Asia Championship, kung saan nakaharap ng Pilipinas ang Iran sa championship game. Makalipas ang 13 taon, Iran din ang naging huling kalaban niya para sa Gilas, sa 68–56 panalo ng Pilipinas noong Agosto.
Para kay June Mar, magandang paraan iyon para tapusin ang kanyang national-team career. Sa halip na bumalik, nais niyang makita na mabigyan naman ng mas maraming pagkakataon ang younger Filipino big men at maihanda sila para sa mga susunod na international competitions.
Kaya sa ngayon, mukhang walang “one last dance” para kay June Mar sa Cebu.
Pero kahit hindi na bilang manlalaro, nananatili ang suporta ng isa sa mga naging pangunahing haligi ng Gilas sa nakalipas na mahigit isang dekada. 🇵🇭
💬 Kayo, Gilas fans: gusto n’yo pa bang makita si June Mar sa isang huling Gilas game sa Cebu, o panahon na para tuluyang ipasa ang responsibilidad sa younger generation?
📌 Source: Tiebreaker Times
✍️ CROSSOVERPH